SABIK na sabik na masilayan ng mga residente ng bayan ng Bay ang nangunguna sa pagka- gobernador ng Laguna na si Sol Aragones nang dumaan ang motorcade nito ngayong araw ng Biyernes ng hapon.
Inikutan ni Aragones kasama ang kanyang bise-gobernador na si Peewee Perez at 141 Akay ni Sol Partylist ang mga Barangay Bitin, Tarangca, Paciano, Masaya, Puypuy, San Isidro , Tagumpay , San Antonio, Kabaritan,Sto.Domingo, Maitim , Kalo at Patay na riles .
Samantala, sa pinakahuling datos na inilabas ng Serbisyong Pilipinas 2025 online survey: Tinig ng Bayan, Lakas ng Halalan, tinanong ang mga botante kung sino ang kanilang iboboto sa darating na Mayo 12 sa pagka- gobernador ng lalawigan ng Laguna , nangunguna si Sol Aragones ng AKAY kung saan nakakuha ng 77.73% o 2, 837 boto, sumunod si Ruth Hernandez ng LAKAS-CMD na may 14.26% o 523 , habang si Dan Fernadez ng NUP naman ay may 4.83% o 177 at pang huli si Karen Agapay ng Partido Federal ng Pilipinas na may 3.35% o 123 .
