
PUMANAW na ang beteranong sports journalist na si Chino Trinidad sa edad na 56.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Floresse Trinidad sa GMA News Online.
Inatake sa puso Trinidad noong Sabado ng gabi habang papunta siya sa isang meeting sa Newport World Resorts kasama sina Efren “Bata” Reyes at iba pang personalidad kaya naman agad siyang dinala sa San Juan de Dios Hospital, kung saan siya binawian ng buhay.
Matatandaang si Trinidad ay nagsilbi bilang dating commissioner ng Philippine Basketball League.
Siya rin ay dating nagtrabaho sa GMA Sports bilang isang commentator at sports analyst.
Naging host ng Time Out segment sa 24 Oras, at host ng Saksi sa Dobol B sa Super Radyo dzBB.