PINARANGALAN si Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan bilang isa sa mga Outstanding UPLB Alumni para sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pamamahala, serbisyo publiko, at pag-angat ng ekonomiya ng lungsod, Oktubre 9.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ipinakita ni Mayor AJAM ang dedikasyon sa pag- unlad ng Sto. Tomas, lalo na sa aspeto ng pagbibigay ng oportunidad sa kanyang nasasakupan, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, at pagsusulong ng mahusay na pamamahala.
Kanyang pinasalamatan ang UPLB at College of Economics and Management, “Hindi lamang para sa akin kundi para sa buong lungsod na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala ang pagkilalang ito. Ang parangal na ito ay isang hamon upang ipagpatuloy ang mas makabuluhang serbisyo para sa bayan”.
Ang The Outstanding UPLB Alumni Award ay isang prestihiyosong pagkilala na iginagawad sa mga indibidwal na may malaking naiambag sa kanilang propesyon at sa lipunan.
