
ISANG miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang namatay nang makuryente sa loob ng Camp Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.,ang nasawing si PVT Bernabe Pangiyan, 24 anyos na nakatalaga sa 5IMB, IMCOM.
Ang biktima, isang residente ng Bgy. Appas, Tabuk City, Kalinga, ay naglalagay ng mga electrical repair sa kisame ng gusali ng IMCOM nang aksidenteng makuryente,.
Dinala si Pangiyan sa Fort Magsaysay Army Station Hospital, kung saan siya ay idineklarang dead on arrival.