SUGATAN ang tatlong indibidwal sa naganap na pagsabog sa isang supermarket sa Masbate City nitong Sabado ng hapon, Nobyembre 14.
Nangyari ang insidente pasado alas-2 ng hapon sa LCC Supermarket sa Tara Street, Barangay Pating.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Masbate Police Provincial Office (PPO) upang alamin ang sanhi ng pagsabog at magsagawa ng paunang imbestigasyon.
Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye o impormasyon hinggil sa bilang ng mga nadamay at kanilang kalagayan.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog. (
