
PUMANAW na ang national artist at superstar ng movie industry na si Nora Aunor sa edad na 71.
Kinumpirma ng kanyang mga anak na sina Ian at Lotlot de Leon noong Miyerkules ng gabi.
“With deep sorrow and heavy hearts, we share the passing of our beloved mother, Nora C. Villamayor, ‘Nora Aunor who left us on today April 16, 2025 at the age of 71,” base sa social media post ni Ian.
“We love you, Ma. Alam ng Diyos kung gaano ka namin kamahal. Pahinga ka na po, Ma, nandito ka lang sa puso at isipan namin,” Ian, ayon pa sa kanyang Facebook account .
Si Ian ay biological child ni Aunor at aktor na si Christopher de Leon na ikinasal noong 1975. Na-annulled ang kanilang kasal noong 1996.
May apat na adopted children sina Aunor at de Leon — sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.
Ipinanganak si Nora Cabaltera Villamayor sa Iriga City, Camarines Sur, si Aunor ay sumikat sa entertainment scene noong 1960s bilang isang mang-aawit at madamdaming boses.
Si Nora Aunor o Ate Guy ay nagbida sa maraming iconic na pelikula sa kabuuan ng kanyang karera at isa na rito ang kanyang papel bilang Elsa sa “Himala” (1982), na idinirek ni Ishmael Bernal at nakipagkumpitensya sa Berlin International Film Festival.
Noong 1976, nanalo siya bilang Best Actress award at the Gawad Urian and FAMAS sa “Tatlong Taong Walang Diyos.”
Ang beteranang aktres ay nakilala rin sa pelikulang Bona (1980), “Minsa’y Isang Gamu-Gamo” (1976), “Bulaklak sa City Jail” (1984), at “The Flor Contemplacion Story” (1995).
Noong Hunyo 2022, si Aunor at pitong iba pang kilalalang tao sa sining at kultura ng Pilipinas ay ginawaran bilang National Artist of the Philippines.
Noong 2013, naiuwi niya ang “Best Actress” trophy sa taunang Asian Film Awards sa Hong Kong para sa kanyang makapangyarihang pagganap bilang isang midwife sa lokal na ginawang “Thy Womb.”
Ang labi ni Aunor ay dinala sa Heritage Park sa Taguig City. Ang public viewing ang magaganap sa Sabado at Linggo habang ang kanyang interment ay naka-iskedyul sa Abril 22.