PINASUSURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, sa mga awtoridad sa buong bansa ang 532 water districts upang tiyakin ang supply ng tubig sa lahat ng mga paaralan bago magsimula ang klase sa darating na Hunyo 16.
Sa isang press briefing ng Malacañang nitong Biyernes, sinabi ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Jose Moises Salonga na isang memorandum circular ang ipinadala sa 532 water districts, na nag-uutos sa kanila na ayusin ang mga problema sa supply ng tubig sa kani-kanilang mga lugar, partikular ang mga apektadong mga paaralan.
Dapat ding iulat ng pamunuan ng mga distrito ng tubig ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa suplay ng tubig sa kanilang nasasakupan.
“Ito (memorandum circular) ay sumasaklaw sa parehong pribado at pampublikong paaralan. Pinoproseso namin ngayon ang lahat ng mga ulat na iyon,” sabi ni Salonga.
Aniya, dapat matapos na sa LWUA ang pagproseso ng mga ulat sa Martes at iharap ang mga natuklasan sa Pangulo.
“Ang pinlano naming gawin ay makabuo ng mga panandaliang solusyon pati na rin ang mga sistematikong pangmatagalang solusyon,” sabi ni Salonga.
Si Pangulong Marcos mismo ang nag-utos ng katiyakan ng matatag na suplay ng tubig sa mga paaralan sa kanyang pagbisita sa dalawang paaralan sa Bulacan para simulan ang taunang Brigada Eskwela school cleanup noong Lunes.
Nabahala si Pangulong Marcos sa mga mag-aaral maklaraang matuklasan nitong walang maayos na suplay ng tubig sa mga palikuiran sa kanyang binisitang dalawang paaralan noong nakaraang Lunes na maaaring dahilan ng pagkakasakit ng mga mag-aaral.
“Over the past week, matindi pa sa tawag sa 8888 ang nakuha namin kasi mismong Presidente ang nag-advocate sa consumers. So we had no choice but to act forthwith,” Salonga said, referring to the Citizens’ Complaint Hotline.
Ang LWUA ang nangangasiwa sa 532 water districts sa bansa na namamahala at nagpapanatili ng mga sistema ng supply ng tubig sa mga lungsod at munisipalidad sa labas ng Metro Manila
