PATAY ang isang lalaki nitong Biyernes sa kanyang tinitirhan sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Jean Fajardo, Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosanakilala ang ang biktima na si William Ancheta, residente ng Purok 5, Bgy. Pulung Maragul, Angeles City.
Ang suspek ay si alyas “Ken,” residente rin ng parehong lugar.
Agad na inulat sa pulisya ng Angeles City ang insidente ng pamamaril sa lugar.
Pagdating sa lugar, natagpuan ng mga opisyal ang biktima na wala nang buhay ito at nakahadusay sa sahig ng kanyang bahay na may tama ng bala sa dibdib.
Sinabi ng mga saksi sa pulisya na nakita nilang lumabas ng bahay ang suspek matapos ang pamamaril.
Agad namang naglabas ng flash alarm ang pulisya para arestuhin ang gunman.
