HABANG-BUHAY na pagpapawalang-bisa ng driver’s license ang ipinataw isang motorista na nahuling nagmamaneho sa maling bahagi ng Skyway noong Sabado ng madaling araw.
Ito ang ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon matapos imbestigahan ang kuha ng CCTV bandang alas-3:32 ng madaling araw noong Sabado kung saan nakitang minamaneho ng driver ng isang sports utility vehicle na sumalubong sa ibang motorista sa Skyway northbound.
Dahil sa mapanganib na pagmamaneho, napilitan ang ilang sasakyan na lumihis para makaiwas na maaaring maging sanhi ng salpukan sa kalsada,
Isang Skyway patroller ang tuluyang humarang at pinahinto ang sasakyan.
Ayon kay Dizon, hindi sapat ang suspensiyon para sa driverlamang dahil sa panganib sa buhay ng iba.
“I have ordered the permanent revocation of his driver’s license para hindi magaya ang kanyang reckless driving,” ayon kay DOTr secretary .
Hinikayat niya ang publiko na ipagpatuloy ang pag-uulat ng mga ganitong insidente sa Department of Transportation (DOTr) para sa mabilis na aksyon.
