PUMANAW na kaninang alas -6 ng umaga ang kongresista ng unang distrito ng Tarlac na si Rep.Carlos Charlie Cojuangco sa edad na 58.
Inanunsiyo ito ng kanyang misis na si China Jocson sa social media .
“It is with a heavy heart that we regret to inform you that my husband, Claudia and Jaime’s father, Carlos “Charlie” Cojuangco, has passed away,” ani Jocson.
Ang mga labi ng mambabatas ay masisilayan sa Heritage Memorial Park sa February 23 hanggang Pebrero 25 ng alas- 9 ng umaga hanggang hatinggabi at dadalhin ito sa Tarlac sa Pebrero 26,araw ng Sabado.