ISANG sikat na Tausug vlogger ang patay sa labas ng coffee shop sa Patikul, Sulu noong Biyernes ng gabi.
Ang napaslang na biktima ay si Mohammad Riza Adela Muksan, kilala rin bilang Doofz Muksan, 37.
Dead on the spot dahil sa tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang social media content creator .
Isang ring kawani ng Municipal Social Services Development (MSSD) sa Jolo, Sulu ang biktima na naging tanyag sa kanyang mga vlog dahil sa nagpo-promote ng cultural at interfaith solidarity sa mga southerners.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakasakay sa kanyang motorsiklo si Muksan sa labas ng Shara Coffee Shop sa Bgy. Umangay nang lapitan ng mga armadong lalaki at paulit-ulit na pinagbabaril.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaslang.
Habang tinutugis ng mga awtoridad ang mga armadong lalaki at iniimbestigahan ang motibo sa pag-atake.
