CAMP CAPINPIN, Rizal –NAGBALIK-loob sa gobyerno ang isang miyembro ng teroristang NPA sa Labo, Camarines Norte, Biyernes, Nobyembre 29,
Ayon sa ulat mula sa 201st Infantry Brigade, nagsasagawa ng routine security operations ang tropa sa Barangay Dumagmang nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa presensya ng isang armadong grupo malapit sa kanyang tirahan.
Nakilala si Emmmanuel Balotan alyas Popoy na umamin na isa siya sa kasapi sa teroristang grupo na gustong sumuko.
Ayon pa sa imposrmasyon, kabilang so Balotan sa naganap na kamakailan sa pagitan ng tropa at NPA noong Nobyembre 30.
Sinabi naman ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander na si Maj. Gen. Cerilo Balaoro Jr. , “This surrender is a testament to the growing disillusionment within the ranks of the Communist terrorist group.
Aniya, parami nang parami ang kanilang mga miyembro ang nakakapag-isip na magbalik-loob sa pamahalaan at magkaroon ng kapayapaan .
“Kami ay nagpapasalamat sa mga nagmamalasakit na mamamayan na patuloy na naninindigan laban sa karahasan at nagtatrabaho tungo sa kapayapaan sa kanilang mga komunidad,” dagdag ni Maj. Gen. Balaoro.
Ang sumukong miyembro ng NPA ay sasailalim sa debriefing at pagproseso sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
