June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Turistang British national natagpuang patay sa resort

WALA ng buhay nang matagpuan ang isang 61-anyos na British tourist sa isang resort sa Nasugbu, Batangas noong Sabado ng gabi.

Natagpuang ng isang residente na palutang-lutang ang nakilalang biktima bisi Clive sa Maya-Maya Resort sa Barangay Natipuan mga bandang 10:30 ng gabi.

Idineklarang dead on arrival ang biktima pagdating sa Jabez Medical Hospital.

Sa inisyal na ulat ng imbestigador, maaaring lasing ang biktima nang siya’y lumangoy.