
Photo from Boracay Island FB
NATAGPUANG patay ang isang babaeng Slovak na naiulat na nawawala noong Miyerkules sa isang abandonadong kapilya sa Boracay Island.
Si Michaela Mickova, 23, ay natagpuang may maraming saksak sa katawan sa isang abandonadong simbahan sa Bgy. Balabag sa munisipyo ng Malay bandang 2:19 p.m. noong Miyerkules.
Lumabas sa imbestigasyon na pumunta si Mickova sa Boracay para dumalo sa kasal ng isang kaibigan.
Huli siyang nakitang buhay noong Marso 10.
Dalawang araw bago siya natagpuang patay, ang kanyang mga kaibigan ay nagsumbong sa pulisya na siya ay nawawala.
Nag-alok ng P50,000 reward ang mga kaibigan para sa impormasyong sa kinaroroonan niya.
Noong Miyerkules, natuklasan ang kanyang bangkay sa loob ng isang abandonadong kapilya sa Sitio Piaungon sa Bgy. Balabag.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Police region 6 para malutas ang karumaldumal na krimen .