
NAGHAIN ng 19 counts na ang cyber libel ang beteranong host-actor at komedyante na si Vic Sotto noong Huwebes laban kay Darryl Yap, director ng kontrobersyal na pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Si Sotto, kasama ang kanyang asawa, aktres at TV host na si Pauleen Luna, at legal counsel na si Enrique dela Cruz, ay nagsampa ng reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Nagsampa ng kaso ang actor-comedian kasunod ng paglabas ng teaser para sa upcoming movie ni Yap.
May kabuuang 19 ncounts ng paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2022 ang inihain laban kay Yap.
Humihingi din ang reklamo ng P35 milyon bilang moral at exemplary damages.
“Marami nang humihingi ng reaksyon ko simula nang lumabas ang isyung ito. Nanahimik na ako. Hindi ko nasagot ang mga tanong. Ito na yata. Ito ang reaksyon ko,” ayon kay Sotto ng interbyuhin siya ng mga reporter sa labas ng korte.
Sinabi niya na ang desisyon na magsampa ng mga kaso ay isang bagay ng prinsipyo.
“Hindi ito isang personal na paghihiganti. Nagtiwala lang ako sa sistema ng hustisya. Kakalabanin ko ang mga iresponsableng tao, lalo na yung nasa social media,” dagdag pa nito.
Hiniling din ni Sotto na tanggalin ang mga promotional materials at impormasyong nag-uugnay sa kanya sa pelikula.
Ang petisyon, na na-raffle sa Branch 205 sa ilalim ng Presiding Judge Liezel Aquiatan, ay ipinagkaloob noong Enero 9.
Nakitaan ng korte na sapat ang petisyon ni Sotto at naglabas ng writ of habeas data.
Noong Enero 1, 2025, nag-post si Yap ng teaser poster at trailer para sa pelikula sa kanyang social media account, na tampok ang cast.
Sa teaser, makikita sa isang emosyonal na pag-uusap ang young actress na si Rhed Bustamante, na gumanap bilang Delia Dueñas Smith o mas kilalang Pepsi Paloma, at Gina Alajar, na ginagampanan naman ni Charito Solis.
Sa eksena, tinanong ni Solis si Paloma kung siya ay ginahasa ni Vic Sotto, kung saan ang sagot ay sumasang-ayon.
Sinabi ni Sotto na nilabag ng promotional materials ni Yap ang kanyang mga karapatan sa pagkapribado at isinailalim siya at ang kanyang pamilya sa mga pagbabanta.
Ayon sa abogado ni Sotto, ang paglabas ng mga materyales ay humantong sa pagtanggap ng mga online na banta ng pag-atake sa pamilya ng aktor, partikular sa kanyang menor de edad na anak at asawang si Pauleen.
Binigyang-diin pa ng abogado na mali ang mga alegasyon ng panggagahasa laban kay Sotto 42 taon na ang nakalilipas at na-dismiss na ang kasong isinampa ni Paloma noong 1982.
Inakusahan ni Sotto na sadyang tinanggal ni Yap ang pagbasura ng kaso sa promotional content, na nanlilinlang sa publiko.
Sa isang pahayag, sinabi ni Yap na sasagutin niya ang reklamo sa sandaling makarating ito sa kanya.
Si Paloma ay naging sikat sa showbiz noong early ’80s. Nakilala siya sa mga pelikulang gaya ng “Brown Emanuelle” (1981), “The Victim” (1982), “Krus sa Bawat Punglo” (1982), “Virgin People” (1983), “Snake Sisters” (1983), “ Naked Island” (1984), “Matukso kaya ang Anghel?” (1984) at “Room 69 (1985).”
Nasangkot siya noon sa isang highly-publicized scandal nang akusahan niya ng rape ang mga komedyante na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Ricardo “Richie D’Horsie” Reyes.
Ayon sa salaysay ni Paloma, siya at ang kapwa aktres na si Guada Guarin ay nilagyan ng droga, dinala sa isang kuwarto sa isang hotel sa Quezon City, at pagkatapos ay ginahasa.
Itinanggi ng tatlong suspek ang mga akusasyon ni Paloma.
Samantala, nagtakda ang korte ng summary hearing sa kaso noong Enero 15.