INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A ang pagbibigay ng P750 hanggang P1,750 na dagdag-sahod para sa mga domestic workers sa buong Calabarzon.
Sa bisa ng Wage Order No. RB-IV-A-DW-05, ang mga tumatanggap ng P6,000 na minimum na buwanang sahod sa mga lungsod at first class municipalities ay tataas ito sa P6,750, habang ang iba pang mga nasa munisipalidad na dati’y tumatanggap ng P5,000 buwanang sahod ay may P6,750 nang minimum wage.
Ang umento sa sahod ay epektibo simula Marso 7, 2025. | via RTWPB – IVA Calabarzon
