May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Urban, peri-urban agriculture ng DA-4A, suportado ngRAFC-4A

INILATAG ng 49 miyembro ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) IV-A ang dalawang resolusyong magtatatag at magpapalawig ng implementasyon ng National Urban and Peri-urban Ariculture Program (NUPAP), sa naganap na AFC Benchmarking and Consultative Workshop Cum Expository Tour on UPA sites in CALABARZON, noong Agosto 29-30, 2023, sa Mabitac, Laguna.

Ang RAFC ay ang binubuo ng mga kinatawan ng pribadong sektor ng agrikultura at isa sa mga katuwang ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pagpapaunlad ng industriya ng pagsasaka sa rehiyon.

Bilang pagkilala ng lupon sa papel ng programa bilang isa sa mga susi ng pagkamit ng food security, inirerekomenda ng pamunuan sa pangunguna ni RAFC Chairperson Flordeliza Maleon, ang pagsasagawa ng malawakang oryentasyon para sa Farmers’ Cooperatives, and Associations at ang ang pagtatag ng community gardens sa rehiyon.

Ito ay matapos na maibahagi sa RAFC ang estado at implementasyon ng NUPAP sa rehiyon; at ang sistema at benepisyo ng pagsasagawa ng Community and Urban Gardening na ipiresenta ni DA-4A Field Operations Division Chief at High Value Crops Development Program Coordinator Engr. Redelliza Gruezo at Bb. Niña Rosales mula sa Bureau of Plant Industry Los Baños National Crop Research, Development, and Production Support Center.

Bumisita din ang RAFC-4A sa Adoress Farm kung saan direkta nilang nasaksikhan ang mga pamamaraan at pamamahala sa pagsasagawa ng UPA.

Inaasahan na patuloy na makikipagpulong ang pamunuan ng RAFC sa lokal at panlalawigang pamahalaan ng rehiyon upang maisakatuparan ang layunin ng NUPAP.