Kinumpirma na ngayong araw ng National Bureau of Investigation na ililipat na ang aktor ma si Vhong Navarro sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology .
Natanggap na kasi ng NBI- Security Management Section (NBI-SMS) ang order ng Regional Trial Court Branch 69 noong Lunes (Nobyembren14).
Base s autos ng korte na ilipat na ng kulungan ang aktor mula NBI tungo sa BJMP sa Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City. Bago ang kanyang paglipat ,sasailalaim siya sa mandatory medical examination at RT-PCR test upang masiguro ang kanyang kalusugan