February 25, 2024

NIA Administrator Benny Antiporda, suspindido

Ni Chris Lucas

Sinuspinde ng Ombudsman si National Irrigation Administration o NIA  Acting Administrator Benny Antiporda.

Ayon kay Antiporda, napakabilis magpalabas ng desisyon ng Ombudsman dahil wala pang isang buwan aniya ay lumabas na agad ang suspension order laban sa kanya kahit na wala pang ipinadadalang complaint information.

Base sa ipinalabas na preventive suspension order,  may dalawang abogado ng mismong NIA ang pangunahing complainant laban kay Antiporda. Ang naturang mga complainant ay nauna nang sinampahan ng NIA ng patung-patong na kaso ng kurapsyon.

Sinabi ni Antiporda na fictitous at malisyoso ang mga reklamong isinampa laban sa kanya subalit kanya umanong igagalang ang desisyon ng Ombudsman.

Sa kasalukuyan ay suspindido si Antiporda sa loob ng anim na buwan upang maiwasan ang pag-impluewensya sa mga tauhan ng ahensya.

Sa huli, nangako si Antiporda na gagawin ang lahat upàng linisin ang ahensya.