
INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte nitong Martes ang kanyang planong tumakbo sa 2028 presidential elections.
Ayon sa bise presidente na “seryoso niyang pinag-iisipan” ang pagtakbo nang siya ay patungo sa kanyang private trip sa Japan noong weekend, kung saan binisita rin niya ang mga grupo ng mga overseas Filipino worker (OFWs).
“We are seriously considering,” sabi ni Duterte sa mga OFW sa Tokyo sa isang meet-and-greet event bilang bahagi ng kanyang “private” trip sa Japan.
Sa kanyang huling public engagement noong nakaraang taon, inulit niya na magpapasya siya sa 2026 kung tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2028.
Batay sa mga survey, nananatili si Duterte nangunguna sa listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo sa 2028 elections.