ISANG wanted na Koreano ang naaresto sa departure area ng Clark International Airport sa Pampanga nitong Miyerkules .
Kinilala ng pulisya ng Pampanga ang Koreano bilang si Chul Hee Kim, 48 taong gulang, ng The Villages, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.
Nag-operasyon ang mga kasapi ng Mabalacat police, PNP Aviation Security Group Unit 3-Clark International Airport (CIAPS), at 2nd Provincial Mobile Force Company-Mabalacat Patrol Base upang arestuhin si Kim.
Batay sa talaan, ang Koreano ay kinasuhan ng perjury, kung saan ang pinapatawan ng P18,000 na piyansa ng Branch 114 Regional Trial Court judge sa Angeles City, Pampanga.
Sa ngayon si Kim ay nakakulong ng Pampanga police para sa dokumentasyon at tamang pagdisposisyon.