May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Wanted na lolo, timbog

Ni Alex dela Cruz

Isang 66-anyos na lolo ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa  kasong Lascivious Conduct at  kabilang sa most wanted person sa lalawigan ng Laguna .

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Lizarda Austria @Toto na residente ng  No. 432 P. Mindo St., Bgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna.

Nagkasa ng manhunt operation ang San Pedro City Police Station sa akusado dakong 9:30 ng umaga, Marso 10, 2022 sa Brgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna, sa bisa ng isang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu  ni Hon. Sonia T. Yu-Casano, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 31, San Pedro City, Laguna.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang akusado sa piitan ng San Pedro City Police Station.