February 24, 2024

‘Warrant Day’ ng Laguna PNP nakalambat ng 25 wanted men

DALAWANGPU’T – limang wanted sa batasang naaresto  sa loob ng isang araw na “Warrant Day” operation ng Laguna PNP  kahapon.

Base sa ulat ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO kay CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces kabilang sa mga naaresto ay ang Isang Most Wanted Person Regional level sa kasong Rape, isang Most Wanted Person Provincial level sa kasong Rape , limang City/Municipal Level apat sa mga ito ay may kasong Frustrated Murder habang ang isa naman ay may kasong RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” arestado din ang 18 other wanted persons.

Ang ‘Warrant Day’ ng Laguna PNP ay isinasagawa tuwing huwebes at matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.