HULI ang puganteng dating Kinatawan ng Ako Bicol Party-list na si Elizaldy “Zaldy” Co sa Prague, Czech Republic
Kinumpirma mismo ito ng Malacañang noong Huwebes makaraang pimasok umano ng ilegal sa Prague.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez na ang mga awtoridad sa Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Czech upang ayusin ang pagbabalik ni Co sa bansa.
Inihayag din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aresto sa dating mambabatas sa isang post sa social media.
Aniya “We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time. We will keep the public informed as developments unfold” base sa Facebook post ng pangulo.
Si Co, dating pinuno ng House Committee on Appropriations na nangangasiwa sanational budget . Siya ang itinuturong mastermind sa korapsyon sa flood control.
Nagtatago na siya simula noong kalagitnaan ng 2025, bago pa man magsimula ang pormal na imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control.
Noong Nobyembre 2025, naglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Co dahil sa mga kasong graft at malversation ng mga public fund na may kaugnayan sa isang P289.5-milyong proyekto sa dike sa kalsada sa Mag-asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sakop din ng warrant ang hindi bababa sa 15 iba pang indibidwal, kabilang ang mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at isang pribadong kompanya ng konstruksyon.
Idineklarang pugante si Co matapos hindi sumunod sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan, na naglabas ng mga warrant of arrest laban sa kanya at sa ilan pang iba na may kaugnayan sa proyekto ng dike sa kalsada na may milyong Naujan.
