February 25, 2024

1 Milyon, ninakaw sa vault ng amo

Ni: Lilay dela Cruz

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang isang caregiver na tumangay ng 1 Milyong pisong halaga salapi  mula sa vault ng kanyang amo as Bacoor City .

Tinukoy ng biktimang si Ana Marie Paglinawan ang suspek na si Alvin Olaes residente ng Brgy 16,Cavite City.

Sa ulat ng ng Bacoor City Police  Station dakong alas 5:00 ng hapon nang matuklasang sapiltang binuksan ang vault at nawawala na ang inipong pera maging ang  ilan pang mahahalagang kagamitan.

Nagsisilbing caregiver sa asawa ni Paglinawan si Olaes.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek.