June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng riding in tandem

Ni Alex dela Cruz

NASAWI ang isang lalaki  habang ang kanyang kasama ay nasugatan sa  pamamaril ng riding in tandem sa Purok 6, Bgy. San Josef Sur, Cabanatuan City noong Sabado.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., tinukoy ng pulisya ng Cabanatuan ang biktimang si Julius Cruz de Guzman, ng Cecilia Village 1 Subdivision, Bgy D.S. Garcia, Cabanatuan City.

Ang sugatan ay nakilalang si Davidson Magdaraog, ng Bgy. San Josef Sur, Cabanatuan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot ang mga suspek lulan ng isang itim na motorsiklo at walang habas na pinagbabaril  ang mga biktima saka tumakas sa di malamang direksyon.

Mabilis naman dinala ang mga biktima sa Nueva Ecija Doctors’ Hospital, ngunit si de Guzman ay idineklarang dead on arrival.

Nagsasagawa naman ang pulisya ng “Oplan: Bakod” upang hulihin ang mga suspek.