NAG-IWAN ng isang patay habang dalawa pang iba pang sugatan na deprived of liberty (PDL) sa insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Huwebes .
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), nangyari ang pananaksak dakong alas-7:15 ng umaga noong Huwebes sa Gate 1-A ng Quadrant 4 ng Maximum Security Camp ng NBP.
Sinabi pa ng BuCor na siyang namamahala sa national penitentiary, ay itinago ang mga pagkakakilanlan ng mga sangkot hanggang sa naipaalam sa mga pamilya.
Dahil sa insidente, ang mga superintendente ng lahat ng operating prisons and penal farms (OPPFs) ay inatasan na “magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat upang matiyak na walang paghihiganti na magaganap sa kani-kanilang hurisdiksyon kasunod ng insidente ng pananaksak sa Bilibid.
