IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Enero 9 bilang special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni Hesus Nazareno.
Ang deklarasyon ng holiday ay nakapaloob sa Proclamation 766 na nilagdaan noong Biyernes.
“Upang matiyak ang maayos na prusisyon ng mga deboto at para mapadali ang daloy ng trapiko, hinihiling ng Lungsod ng Maynila na ideklarang special (non-working) holiday ang Huwebes, Enero 09, 2025,” ayon sa Proclamation No. 766 na nilagdaan ng Executive Kalihim Lucas Bersamin sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Milyun-milyong deboto ang dumadagsa sa Quiapo Church tuwing Enero 9 upang parangalan ang Hesus Nazareno sa pag-asang masagot ang kanilang mga panalangin o makatanggap ng mga himala.
Kabilang sa mga highlight ng kapistahan ay ang Traslacion o ang prusisyon ng 400 taong gulang na itim na imahen ni Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.
Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay magtatalaga ng mahigit 14,000 opisyal upang matiyak ang kaganapan.
