February 23, 2024

1 Patay , 40 nalason sa Iloilo

Ni Len Dancel

ISA ang patay habang 40 katao ang nalason sa pagtitipon sa  Pili Natipnal High School , Ajuy, Iloilo.

Sa ulat ng Ajuy Rural Health Unit (RHU), 21 ang dinala sa Sara District Hospital , 9 sa Gov. Niel D. Tupas Sr. District Hospital sa Barotac Viejo at 10 sa RHU.

Nasa 37 ang estudyante habang 3 naman ang guro mula sa Pili National High School . Karamihan sa mga nalason ay pawang mga estudyante ng Grade 11.

Ayon sa mga biktima, uninom nila ang buko pandan juice sa selebrasyon ng United Nations noong Nobyembre 4.

Nagsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan ,pagsusuka at pagtatae noong Linggo ang mga biktima kung saan isa ang binawian ng buhay noon pang Sabado.

Ang nasawi ay nakilalang si Ricky Ann Angel Bacacao,17 anyos ng Malayu-an village.

Nagpadala na ang Provincial Health Office ng mga gamot at mga oral rehydration solution sa mga nalasong biktima.