NAARESTO ang isa sa mga suspek sa pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City noong nakaraang Linggo.
Sa pinagsanib puwersa ng Task Force Marawi at Marawi City police noong Disyembre 6 natimbog si Jafar Gamo Sultan, a.k.a. Jaf/Kurot, na umano’y kasabwat sa pambobomba sa Mindanao State University .
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nahuli ang suspek sa isang operasyon sa Brgy Dulay Proper sa Marawi.
Si Omar ay kasama sa taong itinuturing ng mga testigo na naglagay ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium kung saan nakuha rin ang dalawang motorsiklo.
Sa pahayag ng AFP , “Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan na makuha ang mga may sala sa teroristang atake laban sa mga inosenteng sibilyan at sa pagsiguro na hindi maulit ang gayong insidente,” .
“Ipinapakita rin nito ang dedikasyon ng AFP sa kanilang mandato bilang tagapagtanggol ng mamamayan at ng estado,” dagdag pa ng militar.
Ang pagsalakay noong Disyembre 3 ay nagdulot ng pagkondena mula sa lahat ng sektor sa bansa kung saan marami ang nagpahayag ng pangangailangan na makuha ang katarungan para sa mga biktima at maparusahan ang mga may sala.
