May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

1 sugatan sa gumuhong pader sa Valenzuela City

Ni Len Dancel

Photo by Valenzuela LGU

ISA ang sugatan matapos gumuho ang ilang bahay  dahil sa  paglambot ng lupa  sa Valenzuela City.

Nasa 28 apektadong pamilya ang agad na inilikas mula Barangay Mapulang Lupa at Barangay Ugong.

Ayon sa Valanzuela LGU, dulot ito ng tuloy-tuloy na ulan dala ng bagyo at habagat.

Nangyari ang pagguho ng pader bandang alas 9 ng umaga na nasa likood lang  ng mga kabahayan ang pader .  

Pansamantalang nasa dalawang evacuation center  ang mga naapektuhan ng pagguho.