June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Suspek sa pamamaril sa Batangas , nagpatiwakal sa hotel

Ni Alex dela Cruz

NAGPAKAMATAY sa tinutuluyang hotel ang isang suspek na sangkot sa pamamaril sa Barangay Balagtas ,Batangas City.

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces,kinilala ang  suspek na si Aristotle De Chavez na  tubong Barangay Pook na Banal, San Pascual, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya , nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Batangas City Police Station ng ganap na 9:40 ng gabi ng Setyembre 2,2023, kaugnay sa nangyaring pamamaril na naganap sa Barangay Balagtas ng nasabing bayan dakong alas  1:30 ng madaling araw.

Namataan ang suspek lulan ng sinakyang Gray Mazda  Sedan  na naka check-in sa Breckenridge Hamburg Hotel, Barangay Sta Rita Karsada .

Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang suspek upang  kausapin ngunit bigla na lamang nitong pinaputukan ang mga pulis kaya naman humantong ito palitan ng putok hanggang sa  tinamaan ng bala si PSsg Ponciano Asilo Jr. 

Tumawag  pa ng karagdagan pwersa SWAT team ng Police Provincial Office at 1st Provincial Mobile Force Company at sapilitan nang pinasok ang kinaroroonan ng suspek .

Ngunit natagpuan na ito na nakahandusay at  nagbaril sa sarili gamit ang isang caliber 45 .

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 3:30 ng umaga dumating  isang  testigo sa naganap na pamamaril ng suspek na ikinasawi ng biktimang nagngangalang Sherwin A. Matanguihan.

Samantalang ang suspek ay agad na tumakas lulan ng isang Gray Mazda Sedan at dito na nasundan sa isang hotel.