MATAPOS ang pitong taon, kinasuhan ng Manila Regional Trial Court Branch 11 ngayong Martes, Oktubre 1, ang 10 miyembro ng fraternity na sangkot sa pagkamatay sa hazing ng freshman ng University of Santo Tomas na si Horacio “Atio” Castillo III noong 2017.
Sinentensyahan ng korte ng hanggang 40 taon na pagkakabilanggo ang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali, Ralph Trangia, John Ramos, Jose Miguel Salamat, Daniel Hans Rodrigo, at Marcelino Bagtang Jr.
Inutusan din ng korte ang mga ito na magbayad ng mahigit P600,000 sa danyos.
“The untimely death of Atio caused pain, agony, anxiety, suffering and mental anguish to his heirs because it deprived them his company, love, support and companionship,” Presiding Judge Shirley Paglilauan said in her ruling.
Nagpasalamat ang mga magulang ni Atio sa gobyerno at mga private presecutors pati na rin kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, para sa agarang pag-aasikaso ng high profile case.
Ang kaso ay isinampa dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 8049 o ang orihinal na Anti-Hazing Law ng 1995, na ipinatupad kasunod ng pagkamatay sa hazing ng estudyanteng si Lenny Villa mula sa Ateneo Law School.
Ang batas ay binago pagkatapos ng insidente na kinasangkutan ni Castillo.
Tinanggap ni Senator Sherwin Gatchalian ang desisyon ng Manila RTC.
Sinabi ni Gatchalian: “Mahaba at mahirap ang daan patungo sa katarungan, lalo na para sa pamilya ni Atio na naghintay ng pitong taon para sa araw na ito, ngunit ang araw na ito ay nagmarka ng tagumpay para sa batas laban sa kasamaan ng hazing.”
Sinabi niya na ang pagkamatay ni Castillo ay nagtulak sa mga mambabatas na ipasa ang Anti-Hazing Act (RA 11053).
Sa kabila ng pagpasa ng batas, sinabi ni Gatchalian na patuloy pa rin ang hazing.
Ayon sa senador, mula 2014 hanggang 2024, 17 pagkamatay mula sa hazing ang naiulat, ang pinakahuli ay si Ren Joseph Bayan, isang 18-taong-gulang na estudyante sa Jaen, Nueva Ecija na namatay dahil sa hazing injuries noong Setyembre 29.
