Photo from Taguig PIO
ISINUGOD sa pagamutan ang sanpung katao makaraang makalanghap na tumagas na ammonia sa isang pagawaan ng yelo sa M.L. Quezon St. Barangay New Lower Bicutan, Taguig.
Mabilis na itinakbo ang mga biktima sa Pateros District Hospital matapos dumaing ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection BFP , bandang alas 7:31 ng umaga ng naglilinis ang isang trabahador ng kanilang tanke nang biglang na lang kumalas ang tubo na naglalaman ng ammonia.
Kaagad na isinara ang kalye malapit sa lugar at maging ang klase sa paaralan ay suspindido na rin.
Inilikas naman ang ilang residenteng malapit sa apektadong lugar upang masiguro ang kanilang kaligtasan.