May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

10 preso pumuga sa kulungan

TUMAKAS sa PNP Custodial Facility sa Malibay, Pasay City ang 10 persons deprived of liberty (PDL) habang abala ang paghahanda sa kaayusan sa Semana Santa.

Base sa ulat bandang alas 4:30 kaninang madaling araw nang ganap na makalabas sa kanilang selda ang 10 detainees na nagawa pang disarmahan, gulpihin at nakawan ang nakabantay na pulis bago tuluyang pumuga.

Matapos makarating ang balita sa National Capital Region Police Office (NCRPO), agad na sinibak ni NCRPO chief Major Gen. Alan Omas Okubo ang hepe ng Pasay Sub-Station 6.

Sa kumpas ni Okubo, binigyan ng 48 ang tracker teams na inatasang tugisin ang mga puganteng sina Richard Dela Cruz, Carlo Magno Benavidez y Legaspi, Christian Salvatierra y Samson, Norman Deyta y Punzalan, Joey Hernández y Gabriel, Eden Garcia y Rodriguez, Tirzo Galit y Navarro, Joseph Osorio y Canama, John Michael Cabe y Medellin at Joshua Panganiban.