May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

10-wheeler truck nawalan ng preno,nang-araro

ni Cyrill Quilo

INARARO ng isang 10-wheeler truck ang anim na sasakyan makaraang mawalan ng preno sa kahabaan ng Barangay Luksuhin Ibaba.

Natukoy ng Alfonso Police ang driver na si Ronaldo Santos Nipuna,43 anyos ng Trece MArtires City.Base sa imbestogasyon,tinatahak ni Santos ang Luksuhin Ilaya patungong timog nang mawalan ng preno ang truck nito na kargado ng 600 bags na semento at binangga na lamang ang mga kasalubong na paparating na sasakyan galing Norte .

Anim na sasakyan ang kanyang nabangga kabilang ang gate at bakod ng isang gasoline station .Agad na dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima na sina Charlie Del Mundo y Liwanag, 65, residente ng Brgy Pajo; Nomer Naling y Jabat residente ng Luksuhin Ibaba; Romel Tirado y Delacruz ng Caloocan, Gerald Martinez ng Alfonso Cavite na kasalukuyang nagpapagaling na .

Nasa pangangalaga na ng Alfonso MPS ang suspek na si Santos na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting from physical injuries and damage of properties