IPINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang 100 illegal POGO workers mula sa bansa na sumakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Hunyo 17.
Lulan ang mga deportees patungo sa Shanghai-bound ng Philippine Airlines flight nitong Martes ng umaga.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang deportasyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. na tiyakin ang mahigpit na pagsunod sa mga batas sa imigrasyon.
Ang mga POGO workersna ito ay isang batch na nasa kustodiya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na kinasuhan ng BI dahil sa paglabag sa immigration laws.
Sila ay naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay, Cavite, at Parañaque noong unang bahagi ng taong ito.
