
INILIKAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga residente sa Brgy. Tabon at Brgy. Mangagoy sa Bislig City, Surigao del Sur, kahapon, ika-29 ng Enero, 2024 dahil sa matinding pagbaha.
Ang pagbaha ay sanhi ng patuloy na malakas na pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang PCG Station Surigao del Sur, kasama ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Army (PA) ay matagumpay na nadala ang 13 pamilya patungo sa evacuation center.