June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

DOT binigyang pagkilala ang PIA Calabarzon sa pagsulong ng turismo sa rehiyon

BINIGYANG pagkilala ng Department of Tourism (DOT) ang Philippine Information Agency Calabarzon sa katatapos lamang na CALABARZON Tourism Exellence Appreciation sa bayan ng Laurel noong Enero 29, 2024. 

Personal na tinanggap ni PIA CALABARZON Regional Director Ma. Cristina Arzadon ang pagkilala na ibinigay sa ahensya bilang pagsuporta sa Philippine Experience Program CALABARZON ng DOT na layong isulong ang turismo sa rehiyon. 

Isa rin ang PIA CALABARZON sa mga naging partners ng DOT para sa Green Corridor Initiative kasabay ng muling pagbubukas ng turismo sa rehiyon sa panahon ng pandemya, CALABARZON Experiental Tour, at marami pang iba.