June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

138M droga nasabat ng PDEA Calabarzon

Ni Alex dela Cruz

NASABAT ng PDEA Region 4-A  ang halos 20 kilong shabu na may halagang 138 milyong piso sa  isang bahay sa Paranaque City.

Nasakote ng mga operatiba ang mga suspek na sina Mark Jospeh Cortez at Jacqueline  Espinosa .

Nakipagbarilan hanggang sa nagtatangkang  tumakas sa mga tauhan ng PDEA ang mga suspek .

Nagkahabulan at agad namang nasukol ang mga ito sa  bahagi ng Tambo sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay kasalukuyang tinutugis pa ang anak nito na si  Marion John Cortez habang nasa kostodiya naman ng DSWD ang isang anank nitong nadatnan sa loob ng kanilang bahay.