DALAWANG bata ang namatay nang sumiklab ang sunogsa isang bahay sa Tondo , Manila kahapon ng hapon.
Nasawi ang magkapatid na sina Jasmin Gatus na 8-taong gulang at Ara Gatus , 4 na taong gulang ng Barangay 155 ng nabanggit na lugar.
Bandang alas 4 ng hapon ng maganap sunog na tumagal ng kalahating oras.
Napag-alamanan na walang kasama ang dalawang paslit sa kanilang tinitirhan ng maganap ito.
Inaalam pa ng Bureau of Fire ang sanhi ng pinagmulan ng nasabing sunog.