.
BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd anniversary ng Philippine Civil Service nabigyan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority – LRT2 at DOTr MRT-3 ang halos 15,000 na mga nagtatrabaho sa gobyerno .
Umabot sa 4,422 na kawani ng pamahalaan ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng LRT-2 mula September 18 hanggang 20.
Nasa 10,007 ang mga nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno sa parehang petsa.
Ang libreng sakay sa naturang mga rail lines ay bilang tugon sa hiling ng Civil Service Commission (CSC) na kilalanin at pasalamatan ang mga kawani ng pamahalaan sa kanilang serbisyo at paglilingkod sa bayan.