
Umabot sa 16 ang sugatan ang isinigugod sa ibat-ibang pagamutan sa Maynila matapos tumagas ang gas o liquefied petroleum gas (LPG) malapit sa Dela Salle University kagabi (Lunes).
Base sa ulat ng Manila Police District, nagmula ang leak sa laundry shop . sa bahagi ng Fidel Reyes St. sa Malate, Manila kung saan karamihan ay estudyante, kabilang din ang mga tambay sa billiard table malapit roon.
Sinabi ng may-ari na dalawang LPG ang dinala sa shop nung araw na iyon na siyang ginagamit bilang ‘”dryer”, ngunit napansin na lamang nila na isa lamang ang nakakabit.
Ang isang hindi nakakabit ay ang siyang pinagmulan ng tagas . Kaya naman ang ilang empleyado sa kalapit na kainan ay napansin ang pag hingi ng tulong ng mga tao ng laundry shop bago pa ito sumabog.
Idineklarang “fire out” ng 7:37 pm ang nangyaring insidente.