
MAKARAAN ang 16 na taong pagtatago, arestado ang tinaguriang Most Wanted sa national level sa isinagawang sa “Oplan Pagtugis” sa Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas , isang araw matapos ang Pasko (Disyembre 26, 2023) .
Ang suspek ay natukoy na si Sherwin Endaya , 47 anyos ng 853 Levistre St., Barangay Poblacion, Malvar, Batangas .
Naaresto si Endaya makaraang magsagawa ng operasyon ang CIDG Batangas PFU tracker team sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimen ng pagpatay noong Enero 21, 2008 na inisyu ni Hon. Hermenegildo Lacap, Presiding Judge, Branch 83 ng Tanauan City.
Ang suspek ay kabilang sa listahan ng most wanted person National level na may nakalaang gantimpalang Ph135,000
Nagtago ang suspek matapos pagsasaksakin ang biktimang si Ruben Laydia, Sr. sa G Leviste St, Poblacion, Malvar, Batangas noong Abril 22, 2007, bandang 4:20 PM ,mula noon ay nagtago nagtago ang suspek matapos ang pangyayari.
Umabot sa dalawang buwan ang pagsasagawa ng surveillance tracker teams na bago matagpuan ang suspek sa kanyang pinagtataguan.
Sa ngayon ang akusado ay dinala sa Opisina ng CIDG Batangas PFU para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.