
TIMBOG ang 17 chinese nationals makaraang salakayin ang isang sex den sa Barangay Balantang Jaro , Iloilo City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa cybersex crime prevention act of 2012 ang mga naarestong pawang mga lalaking chinese.
.Pinangunahan ang paghahain ng Iloilo intelligence unit ng search warrant sa inuupahang bahay ng mga suspek kung saan naaaktuhan mismo ang ang kanilang illegal na operasyon .
Narekober ang 24 computer units, 49 cellphones at iba pang electronic devices na ginagamit sa kanilang malaswang transaksyon.
Sa imbestigasyon , ipinapadala sa mga indibidwal ang malalaswang larawan at video sa mga kliyente.
Isang buwan nang tinitiktikan ang ang cybersex den na napagalamanan na anim na buwan nang nagooperate ang cybersex den.