May 21, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pagpaslang sa radio host kinondena ni Speaker Romualdez

NAKIKIRAMAY si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa naiwang pamilya ni radio host na si Juan Jumalon, mas kilala nilang DJ Johnny Walker sa 94.7 Calamba Gold FM na pinaslang habang nagpoporagrama sa kanyang bahay sa Misamis Occidental nitong nakaraang Linggo ng umaga.

Ikinalulungkot din aniya ang malagim na pamamaslang sa biktima , “Our thoughts and prayers are with DJ Johnny Walker’s family, friends, and colleagues during this challenging time,” ani Speaker Romualdez.

Iginiit ng lider ng mahigit 300 kongresista na ang kalayaan sa pamamahayag ang pundasyon ng demokrasya.

“Every journalist deserves the right to exercise their profession without fearing for their safety or their lives. Any attack or violence against members of the media is unacceptable and deeply troubling,” saad pa ng lider ng Kamara.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mapanagot ang mga responsible sa karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang boses ng mga mamamahayag gayundin ang kanilang mga istorya.

“To Filipino journalists: Your voices matter. Your stories matter. We stand with you and will continue to advocate for your safety and the right to perform your duties without intimidation or harm,” wika pa ni Speaker Romualdez.

“Together, we will strive to put an end to these senseless acts of violence and uphold the sanctity of free expression in the Philippines,” dagdag pa nito.