June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

187 dayuhan,pinoy nailigtas sa raid ng POGO hub sa Pampanga

NAILIGTAS ang 187 dayuhang at Pilipinong manggagawa sa isang raid ng mga operatiba sa isang Philippine Overseas Gaming Operator (POGO) sa Pampanga nitong Martes ng gabi.

Sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Criminal Investigation and Detection Group, Special Action Force, at lokal na pulisya  ang Lucky South 99 compound sa Friendship Highway sa Angeles City.

Bitbit ng mga awtoridad  ang search warrant na inisyu ng Malolos City Regional Trial Court Branch 14 laban sa POGO dahil sa mga ulat ng human trafficking, torture, at scam na nagaganap sa loob ng establisyemento.

Kaya naman nailigtas ang 157 dayuhang manggagawa, kabilang ang mga Tsino, Vietnamese, Malaysian, Myanmar, at Korean, at 29 mga Pilipino.

Ayon sa PAOCC, ang mga dayuhang nasagip ay kasalukuyang sumasailalim sa biometrics check ng Bureau of Immigration.