June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 patay , 1 sugatan sa nagliyab na bangka sa Cebu

Ni Emmanuel Santiago

DALAWA ang patay habang isa malubhang nasugatan .sa isang nagliliyab na bangka ng mga mangingisdang nasa karagatang malapit sa Naga, Cebu.

Labing isang tripulante ang sakay ng FBCA King Bryan  nang maganap ang insidente bandang 8:25 ng gabi kahapon, Hunyo 5, 2024.

Agad na sumaklolo ang Philippine Coast Guard CGDCV upang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga tripulante.

Nasagip ang limang pasahero habang tatlong pasahero pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad.