2 babaeng “bigtime” pushers, tiklo sa 2M na shabu

DALAWANG babaeng high value target  ang naaresto makaraang makumpiska ang 2 milyong  halaga ng droga  sa isinagawang buy-bust operation ng mga ototridad nitong Linggo ng madaling -araw sa Sitio Malalim, Barangay San Jose, Gen Luna, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Melody Palatino Revilloza alias “Mami”, 41 anyos at Marie Maaño Baldoviso alias “Marie”, 45 anyos ng Sitio Malalim, Brgy San Jose, Gen Luna, Quezon.

Kumpiskado ang 20 sachets na hinihinalang shabu na may bigat na 100 gramo na tinatayang halagang  ₱2,040,000.00 .

Ayon kay  PRO CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez, Jr., “Another high value individual fell in the hand of the authorities. We will never cease to operate and pursue those criminals especially those who are involved in illegal drugs. Rest assured that we will bring these suspects to conviction and make sure that they will never go back to drug trading. I also encourage the community to cooperate with the police so that the other suspects involved in the drug trading will also be arrested and put behind bars.” .

Dagdag pa ni Nartatez , ang dalawang suspek ay kilalang big time drug dealers sa bayan ng Gen.Luna kaya naman sasampahan na sila ng kasong paglabag sa Sec 5 and 11 of Art II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002.