Viral ngayon sa social media ang patutsada ni Dina Bonnevie sa kanyang 61st birthday celebration ang isang aktres na kamakailan ay nagdiwang rin ng kanyang kaarawan .
Tinutukoy nito ay walang iba kundi si Alex Gonzaga na nagpahid ng icing ng cake sa isang waiter matapos siyang kantahan ng “Happy birthday”.
Sa isang video clip hinipan nito ang unang cake na dala ng isang waiter at sinabi nito, “Hindi kita papahiran ng cake sa mukha! Thank you,”sambit pa ni Dina habang nakangiti sa waiter.
At sa ilkalawang cake na kanyang hinipan sinabi nito na “Cakes are meant to be eaten, not pasted on other people’s faces,” na ikinatawa ng kanyang mga bisita.
Matatandaan noong mga nakalipas na taon ay nag-viral din sa social media ang patutsada ni Dina kay Alex dahil sa pagiging late nito sa set na kanyang katrabaho noon.